Saturday, January 26, 2019

Usapin Hinggil sa Operasyon ng MRT atr LRT

Usapin Hinggil sa Operasyon ng MRT at LRT


Ang MRT ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong naglilingkod sa Manila. Ito ay nagsimulang bumiyahe taong 2000. Samantala ang sistema ng LRT ay unang sistema ng Timog Silangang Asya, na itinayo ng mas maaga sa MRT ng tatlong taon.

Ilang taon na ang nagdaan ng madiskubre ng mga tao ang mas mabilis na transportasyon ayon sa Asya gaya ng Singapore, Taiwan, Hongkong at Plipinas atbp. Ang kahulugan ng MRT ay (Manila Rail Transit o Mass Rapid Transit), samanatala ang LRT naman ay (Light Rail Transit). Ang MRT at LRT ay parehong mas nakakatipid ng oras kaysa sumakay sa mga mga pampublikong sakayan tulad na lamang ng Dyip, Bus, o di kaya ay Taxi. Makakarating ka agad sa iyong destinasyon ng ilang minuto lamang sakay ng tren. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa? Kung titignan mo ay parang pareho lamang ng bilis at tranportasyon ito.
Pagdating naman sa pasahero hindi naman ito magkaribal  dahil may kanyang - kanya silang destinasyon at lugar na okupado. Lahat ng tao ay sumasakay sa MRT at LRT, pero madaming paring umaasa na makasakay dahil nakikita pa din nila na malaki ang  naitutulong nito sa pagpasok. Bagama't maraming  aberya ang nangyayari sa operasyon ng  MRT at LRT araw - araw, mas pinipili ito ng karamihan sa atin na dito na lamang sumasakay dahil, kahit papaano ay mas napapabilis nito ang pagbiyahe nila. 
Sa pagkalipas ng ilang taong operasyong ng MRT at LRT, di maiiwasan na hindi magkaroon ng kabi - kabilang aberya ito. Ilan na lamang sa mga ito ay ( Ang aksidente ang naging sanhi kung bakit maraming pasahero ay istranded dahil sa isang bagon ng tren na humiwalay o natanggal, madaming mga pasahero ang  naglakad na lamang sa ibabaw ng riles upang makarating sa station nito. - GMA 7 ). Isa pang kaganapan sa ( LRT naman ay halos 120 pasahero ang pinababa matapos bumagsak ang Air Pressure Gauge ng isang tren dakong alasais 6 ng umaga. - TV PATROL ). na makikita lamang sa ibaba! 


Karaniwang ginagamit ang MRT at LRT sa pagpasok sa trabaho, eskuwelahan at pagpunta sa kung saang lugar na kumukunekta lamang sa mga station. At dahil dito mas napapabilis ang pagpasok ng mga tao, hindi ito nagdudulot ng anumang trapiko para sa iba ngunit ito ay nagdudulot ng napaka-habang pila, siksikan at lalong-lalo sa lahat ay ang nakawan. Ginagamit din ito ng mga taong upang makatipid ng pamasahe, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, pati na rin pamasahe ay lubhang naaapektuhan na. 
Sa napakaraming nagaganap o nangyayari sa ating bansa tulad nang ng iba't - ibang aberya, isyu, krisis, at problemang kinahaharap ng mamamayan o kumyuters sa pagsakay ng MRT at LRT. Layunin nito na maparating sa mga komyuters ang ganitong isyu sa kadahilanang sila ang madalas na sumasakay sa ganitong uri ng transportasyon at upang malaman nila kung ano ang kanilang mararanasan sa pagsakay dito at kung paano ito masosolusyunan ng ating gobyerno. 

Problema sa MRT? Rebolusyon ang solusyon! Kung may mapagpipilian lang, hindi ang ganitong klase ng Metro Rail Transit (MRT) ang gugustuhin ng mga nagbibiyahe araw-araw. Pero kung susuriin, kinakatawan ng tren sa EDSA kung anong klase tayong mamamayan, ano-ano ang ating prioridad, at ano-ano ang ating pinabayaan. Tuwing naaantala ang serbisyo ng 17-kilometrong tren mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay, nagkakagulo ang Metro Manila. Bumabaha sa social media ang mga hinaing natin sa lahat ng problema ng buhay-siyudad. Lalong nakangangalit ang dati nang malalang trapik sa lansangan. Tinatanghali sa trabaho ang mga empleyado, umiinit ang ulo natin pagdating sa bahay, may nauunsiyaming interbiyu sa trabaho, may naantalang proyekto. At susundan na ito ng litanya ng sino’ng may kasalanan. Katuwiran ng mga opisyal ng gobyerno, nakatali ang kamay nila dahil may bisa pa ang mga di-patas na kontratang pinasok ng mga nakaraang administrasyon sa mga kompanyang nagpapatakbo at nangangalaga ng MRT3. Hindi tayo makabuwelo, sabi nila, dahil limitado ang pwedeng gawin ng gobyerno sa ilalim ng mga kontratang ito, kahit na tuloy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng Metro Manila at natural na darami rin ang pasahero ng tren.
Giit ng mga negosyante, malaki na ang naipuhunan nila sa proyektong ito, at marami pa silang balak gawin dito, basta lamang ibigay sa kanila ng gobyerno ang buong kontrol sa linya ng tren. Pero ang gusto ng gobyerno’y bawiin ang kontrol dito mula sa pribadong sektor. Paurong ang diskarte ng gobyerno sa panahong mas uso ang pagsasapribado ng mga pampublikong impraestruktura, sabi ng mga negosyante. Ang bilang ng pasaherong hinahatid ng MRT3 ay halos doble ng dapat lang nitong ibiyahe – 600,000 ang pasahero nito araw-araw gayong dinisenyo itong 350,000 lang ang kapasidad. Kasalanan ito ng pamahalaan at mga negosyante, oo, pero may pananagutan din tayong mga pasahero na dapat ay nagwawala na dahil sa natatanggap na ganitong klaseng serbisyo.


Ang usaping ito ay pormal dahil tinatalakay nito mismo ang mga problema na madalas kaharapin ng mga komyuters araw - araw na sila'y sumasakay ng tren, hindi dapat gawing biro nang sino man sa atin, lalong - lalo na ang gobyerno. Dapat gumawa agad ng aksiyon ang gobyerno upang mas maging epektibo ito sa darating pang mga taon at maayos ring mapakinabangan ng ating pamayanan upang umunlad ang ating ekonomiya.